Dams Water Level - July 11, 2025

Hydrological Situationer for Angat River

Issued at 3:00 PM, 6 November 2025

Ayon sa pinakahuling ulat, ang kasalukuyang reservoir water level ng Angat Dam ay nasa 211.09 meters sa ganap na ika-3:00 ng hapon ngayong araw, may pagtaas na 0.80 meters sa nakalipas na 24 oras. Bagaman may pagtaas, ito ay nananatiling mas mababa sa normal high water level na 212.00 meters.

Inaaasahang magbubukas ang isang (1) gate ng Angat Dam bukas, Nobyembre 7, 2025, sa ganap na ika-3:00 ng hapon, na may kabuuang taas na 5 meters at total discharge na 58 cubic meters per second (cms) ayon sa NPC.

Dahil dito, inaabisuhan ang lahat lalo na ang ating mga kababayang nakatira malapit sa mga ilog at mababang lugar na maging maingat, alerto, at handa sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog.

Samantala, ang lebel ng tubig sa Ipo Dam ay nasa 100.95 meters, bahagyang bumaba ng 0.15 meters sa nakalipas na 24 oras.

Mangyaring manatiling alerto at patuloy na tumutok sa mga opisyal na anunsyo para sa mga karagdagang abiso.