108 kwalipikadong mag-aaral ng Norzagaray College ang tumanggap ng Scholaship Financial Assistance sa ilalim ng CHED-UniFAST “TULONG DUNONG SCHOLARSHIP PROGRAM” sa pangunguna ng inyo pong Mayor Merlyn Germar katuwang ng ating Norzagaray College President Dr. Liberty Pascual.

Bilang kinatawan ng inyong lingkod ay dinaluhan ng ating Former ABC President, Paolo Germar ang nasabing programa.

Hindi maikakaila na ang edukasyon ang pundasyon ng maunlad na lipunan, kung kaya’t buo ang aking suporta at ng pamahalaang bayan sa kapakanan ng ating mga kabataan. Malinaw ang ating adhikain na patuloy na mapataas ang kalidad ng edukasyon sa ating bayan.