
PUBLIC ADVISORY | LGU NORZAGARAY ADOPTS FOUR-DAY COMPRESSED WORKWEEK FOR ENERGY CONSERVATION
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 114, s. 2026 mula sa Tanggapan ng Pangulo, ipatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Norzagaray ang Compressed (Four-Day) Workweek Arrangement bilang bahagi ng mga hakbang para sa pagtitipid sa enerhiya at mas episyenteng paggamit ng mga pasilidad ng pamahalaan, habang patuloy na tinitiyak ang maayos na serbisyo publiko.
Simula March 9, 2026, ang mga tanggapan ng munisipyo ay bukas sa publiko mula Lunes hanggang Huwebes, 7:00 AM hanggang 6:00 PM. Samantalang, ang Biyernes, Sabado, at Linggo ay ituturing na non-working days.
Gayunman, hindi saklaw ang mga tanggapang nagbibigay ng mahahalaga at pangunahing kabilang ang mga may responsibilidad sa kalusugan, kaligtasan ng publiko, at paghahanda at pagtugon sa mga emergency ay mananatiling ganap na operational sa lahat ng oras.
Tagubilin din po sa lahat na planuhin ang kanilang pagpunta sa mga tanggapan ng munisipyo batay sa nasabing iskedyul.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa.



