Dinaluhan natin ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Program on Community Earthquake Preparedness na SIGLABAY (Sigla at Lakas ng Bayanihan) ng DILG, katuwang ang ating MDRRMO at BFP na idinaos sa Brgy. Bigte.

Bilang bahagi ng tuloy-tuloy nating programa sa pagpapalakas ng kahandaan at kaligtasan ng bawat barangay. Patuloy po nating iniikot ang buong Norzagaray upang masiguro na bawat barangay ay may sapat na kaalaman at kahandaan sa panahon ng sakuna, lalo na sa banta ng lindol.