Ipinababatid po sa lahat ng mamamayan ang nakatakdang pagbabago sa Schedule of Market Values (SMV) na magiging epektibo sa taong 2027.
Alinsunod ito sa Section 219 ng Local Government Code of 1991 at Section 15 ng Republic Act No. 12001 (Real Property Valuation and Assessment Reform Act) na naisabatas noong Hunyo 13, 2024, na may layuning bumuo, magpatibay, at magpatupad ng iisang pamantayan ng pagpapahalaga (Single Valuation) para sa lahat ng uri ng mga real property sa buong bansa.
Isinasaalang-alang din sa nasabing batas ang kapakanan ng mga taxpayer sa pamamagitan ng pagtatakda ng anim na porsyentong (6%) cap sa amilyar sa unang taon, upang maiwasan ang biglaang epekto ng pagbabago sa halaga ng mga ari-ariang di-natitinag.








