Dinaluhan natin ang isinagawang Probation Program – Psychosocial Support para sa mga kliyenteng granted ng parole at sa mga recovering persons na idinaos sa 3rd Floor Yellow Building, Municipal Compound, Barangay Poblacion.

Layunin natin na mabigyan sila ng tamang suporta at pag-aalaga upang matulungan silang makabangon at maging produktibong miyembro ng ating bayan.

Sa tulong ng ating mga katuwang na iba’t ibang ahensya at sa ating buong suporta, patuloy nating itataguyod ang ating misyon na magbigay ng mga serbisyong may malasakit para sa pamilyang Garayeño.