Tunay ngang nagbigay ng kayamanan at karangalan sa ating bayan ang ating mga batang atleta. Ngayong umaga, ating pinarangalan at binigyan ng pagkilala ang dalawang huwarang atleta na buong tapang na lumaban at nagbigay karangalan hindi lamang sa ating bayan kundi pati na rin sa ating bansa sa ginanap na SEA Games, MMA Dream Fight League gayundin ang mga Kabataang wagi sa EDDIS VI Meet at Robotics.

Taos-puso nating kinikilala sina Joemari-Heart Rafael at Mylene Matias, na nagsilbing inspirasyon sa ating kabataan at patunay na ang talento, disiplina, at pagsusumikap ng isang GarayeƱo ay kayang umabot sa pandaigdigang entablado.

Muli, isang mainit na pagbati para sa ating mga Kabataang Atleta at hinihikayat ko kayong ipagpatuloy ang inyong mga pangarap at patuloy na magsilbing inspirasyon sa iba. Ang inyong tagumpay ay tagumpay din ng ating buong bayang Norzagaray.