
Ang karapatan ng bawat bata ay tungkulin nating ipaglaban!
Alinsunod sa Republic Act 10661, ang ating Lokal na Pamahalaan at mga kawani ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!”
Isa sa mga tampok ng ating Flag Raising Ceremony ngayong umaga ay ang makabuluhang pagbigkas ng “Panatang Makabata” at ang pag-uulat ng kalagayan ng mga bata sa ating bayan.
Nawa’y magsilbi itong paalala sa bawat isa sa atin na ang bawat bata ay may karapatang mabuhay sa isang ligtas at mapagmalasakit na bayan.
Sama-sama nating ipaglaban ang kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay proteksyon, edukasyon, at pagmamahal sa kanila.



