
MAG-INGAT AT MAGING MAPANURI
Ipinababatid po sa ating mga kababayan sa Norzagaray ang isang mahalagang paalala hinggil sa patuloy na paglaganap ng mga ILEGAL na Real Estate Developers, Marketing Agents, at iba pang indibidwal o grupo na nag-aalok at nagbebenta ng mga lote sa umano’y mga Subdivision Projects sa ating bayan.
Mariin po nating pinaaalalahanan ang lahat na maging mapanuri at mag-ingat sa pakikipagtransaksyon. Siguraduhing ang anumang proyektong inyong kinabibilangan o binibilhan ay may kumpletong legal na dokumento at kaukulang permit mula sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Kung kayo po ay may impormasyon o nais mag-report ng kahina-hinalang transaksyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong Lokal na Pamahalaan ng Norzagaray upang agarang mabigyan ng aksyon.



