“Blessed are the peacemakers, for they shall be called children of God.” -Matthew 5:9

Dahil sa kasalukuyang tensyon at digmaan sa Middle East lalo na sa pagitan ng Estados Unidos, Israel, at Iran na patuloy na nagdudulot ng pangamba at epekto sa buong mundo, nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Norzagaray ng Living Rosary kung saan sama-sama nagdasal at nag-alay ng panalangin ang ating mga kapwa lingkod-bayan at kawani upang hingin ang kapayapaan at paggabay ng Diyos para sa lahat ng bansa at mamamayan na apektado ng kaguluhan.

Sa pamamagitan ng ating sama-samang pananalangin, ipinapakita natin na kahit sa maliliit na paraan, ito ay maaaring maging ilaw ng pag-asa sa gitna ng kaguluhan.

Patuloy nating ipanalangin ang kaligtasan ng lahat at ang paggabay ng Diyos sa mga pinuno ng mundo upang piliin ang landas ng kapayapaan para sa kapakanan ng sangkatauhan.