Nagsagawa po tayo ng inspeksyon katuwang ang Kapulisan ng Norzagaray at Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa mga gasolinahan sa ating bayan upang matiyak na may sapat na suplay ng gasolina para sa ating mga kababayan.

Layunin din ng hakbang na ito na masiguro na walang nagaganap na hoarding o anumang iregularidad na maaaring magdulot ng kakulangan sa suplay at abala sa publiko at upang mapanatili ang kaayusan at kapanatagan ng ating bayan.

Pinayuhan din ang mga may-ari at operator ng mga gas station na patuloy na sumunod sa mga alituntunin ng pamahalaan at tiyaking may sapat na suplay ng produktong petrolyo para sa publiko.

Patuloy namang nakaantabay ang Kapulisan ng Norzagaray upang magsagawa ng kaukulang aksyon laban sa sinumang mapapatunayang lalabag sa batas, kabilang ang mga sangkot sa hoarding o iba pang iregularidad.

Mahalaga na mapanatili ang maayos, patas, at tuloy-tuloy na distribusyon ng produktong petrolyo lalo na sa panahon na kinakailangan ito ng ating mga mamamayan.