Patunay na aangat at bibida ang batang Garayeños sa anumang larangan.

Isang mainit na pagbati sa lahat ng Manlalarong Garayeños na nagpamalas ng natatanging galing sa katatapos lang na 2026 Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet na ginanap sa Aurora Sports Complex, Reserva Baler Aurora Province

Ngayon pa lamang ay ipinapaabot po ng inyong lingkod Mayor Merlyn Germar ang pagbati at buong suporta para sa lahat ng mga Manlalarong Garayeño na sasabak sa Palarong Pambansa 2026.

Nawa’y makamit ninyo ang tagumpay para sa inyong mga sarili, pamilya, paaralan at para sa ating pinakamamahal na bayan. Ipakita ninyo sa buong Pilipinas ang lakas, bilis at liksi ng batang Garayeño.