MALAPIT NA!!!   Ito na po ang kasalukuyang kalagayan ng ating ipinapagawang gusali ng Norzagaray College, na isa sa mga pangunahing programang pang-impastraktura ng inyong lingkod.   Malugod ko pong ibinabalita sa inyo na unti-unti na po nating naisasagawa at matatapos na ang mahalagang pagawain na ito, na layuning magbigay ng mas maayos, dekalidad, at ligtas na pasilidad para sa ating mga mag-aaral at guro.   Ang mga pagsasaayos at programang tulad ito ay bahagi ng ating pangarap na gawing mas ligtas, kaaya-aya at komportableng pasilidad ang ating dalubhasaan. Kabilang sa bagong gusali ay ang mas maayos na mga silid-aralan at mga pasilidad na tutugon sa pangangailangan ng ating lumalaking komunidad ng mga mag-aaral.   Patuloy po akong magsusumikap, kasama ang ating Lokal na Pamahalaan, para siguraduhin na ang ating mga mabubuting adhikain ay hindi lamang manatiling isang pangarap, ngunit upang gawing isang katotohanan.   #MaykatuwanGka #tatakGERMAR #AsensoGarantisado #AlagangGermar