

𝗗𝗶𝗴𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼, 𝗜𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗿𝘇𝗮𝗴𝗮𝗿𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗲-𝗖𝗙𝗘𝗜 𝗞𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗘𝗥𝗔𝗟𝗖𝗢
Nagkaroon po tayo ng isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Norzagaray at MERALCO para sa proyektong Electronic Certificate of Final Electrical Inspection (e-CFEI) na ginanap sa 3rd Floor Yellow Building, Municipality of Norzagaray ngayong araw, Hulyo 31.
Pinangunahan ito ni Mayor Merlyn Germar, kasama si Municipal Engineer Faustino Palad, Meralco North Area AVP and Head of Home and Microbiz, Alleni Pascual at Meralco Sta. Maria Business Manager, Mr. Reginald Romano.
Layunin ng e-CFEI project na pabilisin ang proseso ng electrical inspection, bawasan ang red tape, at siguruhin ang kaligtasan ng publiko. Sa ilalim ng programang ito, inaasahang maiiwasan na rin ang pagsusumite ng mga pekeng sertipiko at mas mapapadali ang pagproseso ng kinakailangang dokumento para sa mga electrical connections.
Lubos naman ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan sa suporta ng Meralco at sa lahat ng lumahok at tumulong sa matagumpay na pagpapatupad ng proyektong ito.



