



Sa inisyatibo ni Mayor Merlyn Germar, sa pamamagitan nina Congressman Ray Reyes ng AnaKalusugan Partylist at Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay nagsagawa ang DSWD AICS Payout kung saan tatlong daan at limampu’t limang (355) na benepisyaryo ang nabigyang tulong na ginanap sa Antonia Heights, Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan.
Isa lamang ito sa maraming proyektong pinondohan sa bayan ng AnaKalusugan Party-List. Layunin ng programang ito na mabigyan ng kaukulang suporta ang ating mga kababayang nangangailangan ng tulong partikular sa pagkain, edukasyon, medical at burial para sa pamilyang GarayeƱo.
Pangako naman ni Mayor Merlyn Germar na hindi rito natatapos ang ating inisyatibo para sa ating mga kababayan. Umaasa po tayo na mas makakapaghatid pa ang ating administrasyon ng mas marami, mawalak, at kapaki-pakinabang na tulong at programa para sa mga GarayeƱos.
#AnakalusuganPartylist #MaykatuwanGka #tatakGERMAR #AsensoGarantisado



