
Hydrological Situationer for Angat River
Issued at 8:00 AM, 10 November 2025
Kasalukuyang mataas ang antas ng tubig sa ating Angat Dam sa taas na 210.37 metro, lagpas na sa normal na high water level na 210.00 metro. Dahil dito, tatlong gate ang kasalukuyang bukas sa taas na 3.0 metro, na may 450 cubic meters per second (cms) na paglabas ng tubig.
Samantala, ang Ipo Dam ay may lebel ng tubig na 100.95 metro, malapit na rin sa normal na high water level na 101.10 metro, at tatlong gate din ang nakabukas sa taas na 3.5 metro, na may 497.50 cms na discharge.
Ang water discharge na ito ay bahagi ng normal na pamamahala upang mapanatili ang kaligtasan ng dam at ng mga lugar sa paligid nito. Gayunman, pinapayuhan ang lahat ng nakatira malapit sa Angat River at mga mabababang lugar na manatiling alerto at makinig sa mga abiso ng inyong barangay at MDRRMO.
Keep safe, GarayeƱos!



