CONGRATULATIONS, BARANGAY FVR!

Lubos po nating ikinagagalak ang paglagda at pag-apruba ng Republic Act No. 12279, s. 2025, “An Act Creating a Barangay in the Municipality of Norzagaray, Province of Bulacan to be Known as Barangay Friendship Village Resources or Barangay FVR.”

Ito po ay isang makasaysayan para sa ating bayan sapagkat mas lalo nitong pinatitibay ang ating pamamahala at mas pinapalapit ang serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa ating mga kababayan sa Friendship Village Resources.


Buong puso po tayong nagpapasalamat kay Cong. Salvador “Ador” Pleyto sa kanyang walang sawang suporta at malasakit sa ating bayan.

Alinsunod sa batas, magkakabisa ito makalipas ang labinlimang (15) araw mula sa paglalathala sa Opisyal na Gazette o sa pahayagang may malawak na sirkulasyon.

Patuloy po tayong magsasama-sama para sa isang mas maayos, mas maunlad, at mas makataong Norzagaray.