



Nagsagawa ng Cash for Work Payout para sa 169 benepisyaryong solo parents na pinangunahan ng DSWD Regional Office 3 katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Norzagaray sa pangunguna ni Mayor Merly Germar at Municipal Social Welfare and Development Office.
Sumailalim sa sampung (10) araw na trabaho ang mga nabanggit na benepisyaryo na mula sa marginalized sectors. Sa ilalim ng 9th Wave Risk Resiliency Program under Climate Change Adaptation and Mitigation and Disaster Risk Reduction (RRP CCAM-DRR), isa sa kanilang mga ginawang serbisyo ang community backyard gardening.
Layunin ng programang ito na hikayatin ang partisipasyon ng komunidad laban sa climate change, pagpreserba ng kalikasan, at magkaroon ng pagkukuhanan ng makakain.
Hangad ng lokal na pamahalaan na makapagbigay ng tulong sa mga GarayeƱo sa pamamagitan ng mga proyektong tulad nito na malaking tulong din sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating bayan.



