Muli po tayong magsasagawa ng BLOOD LETTING ACTIVITY, sa darating na March 7, 2026 (8:00AM-12:00NN).

Sa mga nais mag-donate ng dugo magtungo lamang po sa Crisis Intervention Center (CIC), Multipurpose Building, Municipal Compound, Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan.

𝗦𝗜𝗡𝗨-𝗦𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗪𝗘𝗗𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚-𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗚𝗢?
-May edad na 18-65 taong gulang (16-17 ay maaaring mag-donate pero dapat ay may pahintulot ng magulang o guardian).
-May timbang na hindi bababa sa 110 lbs o 50 kg.
-Hindi anemic.
-Normal na BP at Pulse Rate.

𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗠𝗔𝗚-𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗚𝗢 𝗦𝗜𝗚𝗨𝗥𝗔𝗗𝗨𝗛𝗜𝗡𝗚:
-May sapat na tulog at pahinga.
-Hindi nakainom ng alak sa loob ng labing dalawang (12) oras.
-Nakakain na at iwasan ang matatabang pagkain.
-Nakainom ng sapat na tubig.