Maraming salamat po at buong puso po nating tinatanggap ang hamon ni Dating Bise Presidente at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo para sa Bayang Bumabasa: Mayors for Literacy Challenge na panawagan ng EDCOM 2 – The Second Congressional Commission on Education
Dito po sa Norzagaray, naniniwala tayong ang pagbasa ang pundasyon ng kaalaman at tagumpay. Dahil dito, aktibo nating ipinatutupad ang mga programang nagtataguyod ng literasiya at edukasyon.
Hindi lamang tayo nakikibahagi kundi tayo ay kinilala pa bilang isang National Model sa pagpapatupad ng mga programa para sa pagbasa at patuloy na pagkatuto ng ating mga kabataan.
Kaisa ng buong sambayanan, ipagpapatuloy natin ang adbokasiya para sa edukasyon, sapagkat sa bawat batang natututo, nakikita natin ang mas maliwanag na kinabukasan ng ating bayan.
Bawat bata makakabasa para sa bayang bumabasa. ![]()



