


Idinaos po natin ngayong araw ang 4th Quarter Joint Council Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) na ginanap sa Amaluz Pavilion, Barangay ng Partida.
Dinaluhan ito ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan kabilang ang DILG, Norzagaray-PNP, BFP, Liga ng Barangay, MSWD, Sangguniang Bayan at Municipal Department Heads, CSOs na nagsisilbing miyembro ng mga nasabing pambayang konseho.
Patuloy nawa tayong magtulungan upang masiguro ang ligtas, malinis, at maunlad na kinabukasan para sa ating lahat. Naniniwala ang inyong lingkod, Mayor Merlyn Germar na sa ating pagtutulungan, masisiguro natin ang tagumpay ng ating mga layunin para sa Norzagaray.



