2026 Budget Nilagdaan na ni Mayor Merlyn: Pinalakas na Pondo para sa Turismo, Imprastruktura at Kapakanan ng Garayeño

Opisyal nang nilagdaan ang 2026 Executive Budget ng ating bayan noong November 18, 2025, araw ng Lunes. Ang pag-aproba sa pondo ay bunga ng masinsinang pag-aaral, konsultasyon, at pagtutulungan ng bawat departamento upang matiyak na ang bawat pisong ilalaan ay may malinaw na direksiyon at tunay na pakikinabangan ng bawat Garayeño.

Para sa taong 2026, patuloy nating palalakasin ang mga pangunahing sektor ng Turismo, Imprastruktura, Kalusugan, Edukasyon, Senior Citizens, Persons with Disabilities (PWD), Peace and Order, at Disaster Response na magsisilbing gulugod ng isang mas maunlad at mas progresibong Norzagaray.