Upang mas palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga kawani ng MDRRMO sa pagbibigay ng paunang lunas sa mga biktima ng aksidente, sakuna, at iba pang emerhensiya, matagumpay po nating isinagawa ang 4-day Standard First Aid, Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) and Automated External Defibrillator (AED) Training na idinaos dito sa ating Municipal Compound, Barangay Poblacion.


Taus-puso po tayong nagpapasalamat sa ating mga tagapagsanay, katuwang na ahensya, at higit sa lahat sa mga lumahok. Sa pamamagitan nito, kayo ay nagiging tunay na katuwang ng ating pamahalaan sa pagbibigay ng mabilis na tugon sa anumang uri ng sakuna.


Nawa’y patuloy natin itong gamitin at ibahagi, upang higit pang maging handa, ligtas, at matatag ang ating bayan ng Norzagaray.


#MaykatuwanGka
#tatakGERMAR
#AlagangGermar
#AsensoGarantisado