Sa araw na ito, ating ginugunita ang pagkakatatag ng Kongreso sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan na siyang pasimula ng Saligang Batas ng pamahalaang pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo noong ika-15 ng Setyembre, 1898.

Ang Pamahalaang Bayan ng Norzagaray sa pangunguna ni Mayor Merlyn Germar ay nakikiisa sa pag-alala sa ika-127 anibersaryo ng Malolos Congress, bilang pagkilala sa mga bayani at lider ng rebolusyonaryong kongreso, kung saan ay naitatag ang unang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas

Sa pagpapatuloy ng diwa ng Kongreso ng Malolos, nawa’y magpatuloy ang ating pagtutulungan upang mapanatili ang kasarinlan at kalayaan ng ating bayan at ng bansa.