
Nakibahagi po tayo sa isinagawang pagdidisperse ng isang daang libong fingerlings ng tilapia sa Angat Dam bilang bahagi ng programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa Program (BASIL) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), katuwang ang ating Municipal Agriculture Office at ang Department of Agriculture – Region III.
Ang gawaing ito ay patunay ng ating patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kalagayan ng ating mga ilog at lawa sa pamamagitan ng rehabilitasyon at pangangalaga sa ating kapaligiran. Higit pa rito, layunin din nitong mapalakas ang kabuhayan ng ating mga mangingisda at matiyak ang masaganang likas-yaman para sa susunod na henerasyon.






