


๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ฃ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฑ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ถ๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฐ๐
Personal po nating inabot ang social pension para sa ating mga minamahal na Garayeรฑong senior citizen mula sa Brgy. San Lorenzo, Brgy. San Mateo, Brgy. Bigte, at Brgy. Minuyan katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).
Ang programang ito ay alinsunod sa Republic Act No. 9994 na kilala rin bilang “Expanded Senior Citizens Act of 2010” na naglalayong makaagapay ng mga senior citizen na mabigyan ng tulong pinansiyal para sa kanilang gastusin tulad ng pagkain at pangangailangang medikal na makapagbibigay sa kanila ng kalakasan sa pangangatawan.
Sinisiguro ng inyo pong Mayor Merlyn na tuloy tuloy ang aksyon ng kanyang tanggapan para sa kanilang pangangailangan, at mapangangalagaan ang karapatan ng ating mga Senior Citizen.



